MENU

PAALALA

 

Sa aming mga kababayan sa mga Lalawigan ng Fujian at Jiangxi:

 

Muling pinapaalalahanan ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Xiamen ang lahat ng mga Pilipino na mag-ingat sa mga taong bigla na lang nakikipagkaibigan, maging kapwa Pilipino man o banyaga ang mga ito.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdami ng mga Pilipinong nadarakip sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na droga sa iba’t ibang bahagi ng Tsina.  Kabilang sa mga modus operandi ng pagpupuslit ng droga ang mga sumusunod:

  • Paggamit ng mga menor de edad sa pagpupuslit ng droga sa mga pandaigdigang paliparan;
  • Pakikipagkaibigan at unti-unting pagkuha ng kalooban ng mga Pilipino at ‘di maglaon ay bigla na lang manghingi ng pabor tulad ng magpabitbit ng bagahe sa eroplano o tren;
  • O ‘di kaya’y magpadala ng mga gamit sa pamamagitan ng koreo.
  • May nakasiksik at nakatagong ipinagbabawal na droga sa loob ng mga pinaki na pabitbit na bagahe o pinakoreo na bagay

Ang parusa sa pagpupuslit ng 50 gramo ng ipinagbabawal ng droga sa Tsina ay kamatayan o ‘di kaya’y habambuhay na pagkabilanggo.

Matatandaang dalawang Pilipino sa Xiamen ang binitay noong taong 2011 sa salang pagpupuslit ng droga.

Kung may bagay na ipabibitbit o ipapakoreo gamit ang inyong pangalan, dapat munang masusing siyasatin ang laman ng naturang bagay pati na rin ang taong nag-utos sa inyo na gawin ito.

Ipagtanggol ang inyong sarili at huwag agad magtitiwala sa mga taong biglaan na lang nakikipagkaibigan ng walang kaabug-abog.

 

Kabayan, maging MAINGAT, ALERTO, MAPAGMASID at IPAGKALAT ANG MAAARING MAGING EPEKTO NG PAKIKISAWSAW SA ILEGAL NA DROGA!