Nais paalalahanan ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Xiamen ang mga Pilipino sa Fujian Province at Jiangxi Province na laging mag-ingat, lalo na sa mga banta sa kanilang saliri o kaya’y sa kanilang mga ari-arian, sa pamamagitan ng mga sumusunod o iba pang kagayang mga practical na hakbang:
- Hangga’t maaari, dumeretso sa bahay pagkatapos ng trabaho o klase.
- Iwasang lumakad nang nag-iisa, lalo na sa gabi.
- Iwasan ang pananamit or mga kilos na makatawag-pansin.
- Ipapahayag na ng PCA sa ika-12 ng Hulyo 2016 and desisyon ukol sa kaso na inihain ng Pilipinas laban sa bansang ito. Upang makaiwas sa mga di-pagkakaunawaan, huwag sumali sa pagpupulong, pag-uusap o pagtatalo ukol sa mga isyung political, maging sa publiko o sa social media networks, bago o pagkatapos lumabas ang desisyon.
- Alamin ang mga pangyayaring local o mula sa ibayong dagat at makibalita sa Konsulado para sa mga mahalagang abiso.
- Dalhin ang pasaport or residence permit sa lahat ng oras.
Iparating sa Konsulado ang anumang banta sa inyong salari o sa inyong mga kakilalang Pinoy sa hotline bilang +86-189-0592-1595, +86-139-0603-6614 o kaya’y sa Chinese Police Hotline 110.
Maraming salamat po.