MENU

PAALALA

PINAGBABAWAL NG TSINA ANG MGA DAYUHAN NA MAGTRABAHO BILANG ISANG KASAMBAHAY

   

    Para sa ating mga kababayan sa probinsya ng Fujian and Jiangxi:

Ang Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Xiamen ay muling pinapaalalahan ang ating mga kababayan na huwag pababayaan na mapaso ang inyong visa at tumanggap ng trabaho bilang isang kasambahay sa Tsina na maaring ialok ng inyong mga kaibigan, anumang recruitment agency o kahit na sinong mga dayuhan.  Sa kasalukuyan, pinaiigi ng mga awtoridad sa Tsina ang kanilang kampanya laban sa mga dayuhan na iligal na nakatira at nagtratrabaho sa Tsina pati na rin sa mga iligal na recruiters.

Ang lahat ay binabalan na hindi pinahihintulutan ng Tsina ang mga dayuhan na magtrabaho bilang isang kasambahay sa Tsina.  Hindi rin nag-iissue ng working permit ang Tsina sa mga naturang dayuhan kung kaya’t malimit na ang kanilang visa ay napapaso.

Ayon sa batas ng Tsina ukol sa immigration, ang mga dayuhan na iligal na nagtratrabaho at walang valid na visa ay maaresto at makukulong ng hindi bababa sa 30 araw.  Sila rin ay pagmumultahin ng hindi bababa sa RMB¥10,000.00 sa paglabag sa nasabing batas.  Lahat ng kinita sa pamamagitan ng iligal na pamamaraan ay babawiin din ng mga awtoridad.  Ang dayuhang lumabag sa nasabing batas ay hindi na muling makababalik sa Tsina sa susunod na limang (5) taon.

Ayon pa sa nasabing batas, ang mga iligal na recruiters ay pagmumultahin ng hindi bababa sa RMB¥5,000.00 sa bawat iligal na trabahong naipasok ngunit hindi hihigit sa RMB¥50,000.00.  Ang iligal na pag-eempleyo ng mga dayuhan ay pagmumultahin ng doble sa multa ng mga iligal na recruiters.

Ang mga Pilipino na walang tamang dokumento lalo na ang mga nagtratrabaho bilang isang kasambahay sa Tsina ay madaling mapagsamantalahan ng mga mapang-abusong amo.

Pinag-iingat ng Konsulado Panlahat ang lahat ng mga Pilipino na may planong mag-abroad na maging mapagmasid at laging handa para sa sariling kaligtasan lalong lalo na sa mga kasambahay na pinangakuhan ng trabaho sa Tsina ngunit hind dumaan sa tamang proseso sa pagkuha ng tamang visa.

Ang tamang proseso sa pagkuha ng trabaho sa Tsina ay sa pamamagitan ng ligal na pamamaraan at sa tulong na din ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng OWWA at POEA.

Kung kayo ay pinangakuhan ng trabaho sa Tsina ngunit gagamit ng tourist (L) visa sa pagpasok at pinangakuhang ito ay mapapalitan ng working (Z) visa, kayo ay nasa panganib na maging isang undocumented na manggagawa sa Tsina na walang pagkakataon na makakuha ng working permit.  END.

 

 

 

ADVISORY

CHINA PROHIBITS FOREIGNERS TO WORK AS HOUSEHOLD SERVICE WORKER

 

To our kababayans in Fujian and Jiangxi provinces:

The Philippine Consulate General in Xiamen would like to remind all our kababayans not to overstay their visas and not to accept job offers as household service workers (HSW) in mainland China either from any recruitment agency, your friends or any nationals.  Chinese authorities are stepping up their campaign to apprehend overstaying foreigners, illegal workers as well as illegal recruiters.

All are warned that domestic service employment is closed to foreigners in mainland China.  Chinese authorities do not issue working permits to HSWs and as a consequence, these HSWs usually ended up overstaying their entry visas in China.

According to the China Immigration Law, illegal workers and overstaying foreigners shall be arrested and detained for not less than 30 days.  They are also fined for not less than RMB¥10,000.00 for violation of said law.  Furthermore, all monies gained from illegally working in China are confiscated and the offender is blacklisted from entering China for the next five (5) years.

On the other hand, illegal recruiters shall be fined the amount of RMB¥5,000.00 for each job illegally introduced to a maximum of RMB¥50,000.00 and confiscation of illegal gains.  Illegally hiring foreigners shall be fined twice the amount of the penalty imposed for illegal recruiters.

Filipinos without the proper working visas, especially those illegally working as HSWs, are most vulnerable to all kinds of abuses from their employers.

The Consulate General cautions all Filipino job seekers who are planning to go to China to be very vigilant and always be on guard for their own safety, especially when recruited to work as HSW with a promised of gainful employment in mainland China, while circumventing the proper procedure of landing a legal job overseas.

The Consulate General advises Filipinos that the best way to get employment in China is through legal means and with the assistance of concerned government agencies such as OWWA and POEA.

If a recruiter promises you a job in China but asks you to enter the country with only a tourist (L) visa with promises of eventually having it converted to a working (Z) visa, chances are, you are being illegally recruited and are on your way to becoming an undocumented worker in China with no promise of ever obtaining a work permit.  END.