Ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Xiamen ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.